Dreams do come true ♥

Dreams do come true ♥

Tuesday, March 2, 2010

Pwede Po Bang Mag Kwento?


Kung si Vice Ganda ay pamoso sa “May Nagtext!”,
ang “Pwede po bang magkwento? ang nausong panimula ng bawat speaker sa Gawain dahil na rin sa impluwensya ni Father Leny na naging bisitang pari dito sa Bahrain noong nakaraang taon 2009.

Maraming mga kwento na akong narinig mula noon. At marami sa mga ‘yon ang tumatak sa aking puso’t isipan.

*Ang kwento ng taong madasalin

May isang taong laging nagdarasal.
Simple at nag-iisa lamang ang kanyang Prayer Request...

”Ang pagbabati ng kanyang magulang at kapatid na matagal ng may hidwaan”

Lagi siyang nagsisimba at umaattend ng prayer meetings. Lagi niyang sinusulat ang kanyang prayer request at pinagdarasal ang kanyang natatanging kahilingan. Ngunit sa tinagal-tagal ng kanyang pagdalo at paghiling kay BRO na matupad ito, hindi pa rin ito ipanagkaloob sa kanya.

Lumapit at tinanong niya si Bro.Mike hinggil dito. At ito ang nakuha niyang kasagutan:

“Ang Diyos ay parang Manggagamot. Kung ang iyong anak ay maysakit hindi ba’t dadalhin mo sya sa hospital/clinic para ipagamot sa Doctor. Pinagkakatiwalaan mo ang Doctor na magagamot niya ang sakit ng iyong anak.

Ang Diyos ay parang Mekaniko. Kung ang iyong sasakyan ay nasira hindi ba’t dinadala mo ito sa talyer upang ipaayos sa Mekaniko. Kapag sinabi ng mekanikong balikan mo na lang kinabukasan, ito ay iyong sinusunod at tiwala kang magagawa niya ito kinabukasan.

TIWALA...yan ang kulang sa bawat isa sa atin. Madalas tayong manalangin sa Kanya pero hindi tayo nagtitiwalang ibibigay Niya ito. Laging meron tayong pangamba at agam-agam na nararamdaman. Hindi ba’t walang impossible kay Yahweh? Ilang beses bang kailangang patunayan ni Lord na hindi Niya tayo pababayaan? Oras na para tayo ay manalig at manampalataya sa kanya ng buong-buo at pagkatiwalaan Siya na kahit kailan hinding-hindi Niya tayo bibitawan kahit pa tayo ang madalas gumawa nun sa Kanya.


Ang sabi nga ni Santino: “Magtiwala ka!”

Buhay Simbahan-Part1


Sobrang tagal na mula ng huli akong mag post dito....Naisipan ko lang ulit magsulat....Sana may bumasa hehehe

Buhay Simbahan
Lumaki akong naglilingkod sa simbahan. Active kung active ika nga. Natatandaan ko pa nga lagi akong pinapagalitan ng papa ko kasi halos hindi na ako umuuwi sa amin dahil nasa simbahan ako buong araw. Mula ng maging leader ako ng mga “Angel” na kumakanta sa panahon ng Salubong or Sugat (sa bisaya), nagtuloy-tuloy na ako sa pagsali ng choir. Sa choir din ako natutong tumugtog ng gitara at organ. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na tumugtog ako sa misa. Misa ‘yon para sa patay. Napakamemorable nga naman.

Maraming naging malapit na kaibigan at meron ding nakasamaan ng loob. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon sa samahan. Mga kaibigang namimiss ko sa ngayon. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?
Maaga din akong naexpose sa mga batikos laban sa simbahan kaya ang daming tanong sa aking murang isipan. Mga tanong na unti-unting nagpalayo sa akin sa paglilingkod sa Kanya habang ako ay lumalaki. May mga pagkakataong nagtatampo ako sa Kanya sa mga problemang dumarating at sa mga kahilingan kong hindi natutupad.
Pero nagbago ang lahat mula nang maging member ako ng El Shaddai-Bahrain Chapter. Datapwat maraming iba’t ibang grupo sa Simbahan, ramdam kong dito Niya ako tinawag. Sa unang pag-attend ko pa lang sa Gawain/Praise and Worship, naramdaman ko ng “Im Home”. Marami akong natutunan sa bawat Friday na ako’y umaattend. Narinig ko ang Kanyang Banal na Salita na unti-unting nagbibigay liwanag sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Bakit nga ba hindi nauubos ang problema?

Dati rati sa tuwing may mga pagsubok, nakakaramdam ako ng tampo sa Itaas. Pero ngayon mas naliligayahan ako sa tuwing may problemang dumarating. Mas lalo kong nararamdaman ang Kanyang pagmamahal. Mahal ako ng Diyos. Mahal tayong lahat ng Diyos. Kaya Niya tayo sinusubok para tayo ay lalong lumakas, mapabuti at mapalapit sa Kanya. Na tayo ay parang ginto na matindi ang pinagdaraanang proseso ng paglilinang sa apoy para mas gumanda ang kalidad. Ika nga sa Kanyang Banal na Salita, mas mapalad ang nakakaranas ngayon ng gutom, hirap at kalungkutan sapagkat gagantimpalaan sa Langit.

Bakit nga ba may mga kahilingan tayong matagal o hindi Niya ipinagkakaloob?

Prayers are Useless...without FAITH deep within... Isa sa mga natutunan ko ay ang Pagdarasal ng may buong Pananalig at Pananampalataya. Kailangan nating matutunang Manalig at Manampalataya sa Kanya ng Buong-buo at walang pag-aalinlangan. Walang impossible kay Yahweh. Kailangan lang nating itaas sa Kanya lahat ng ating mga dalahin at tiyak na ipagkakaloob Niya ‘yon sa takdang panahon. Sa Kanyang panahon.

God’s time is never late. It is Always The Best Time.
------
march 1,2010
10:00 pm