The Legal Wife –No Judgment
Aminado ako na dati
sobrang galit talaga ako sa lahat ng kabit lalo na sa tuwing nakakakita ako ng
batang umiiyak at naiipit sa sitwasyon. Pero ramdam kong gumamit si Lord ng
paraan para makita ko ang kabilang side ng pagkakaroon ng extra marital
affairs. Minsan nang may nagsabi na hindi mo maiintindihan ang isang bagay
hanggang hindi mo nararanasan ito. Hindi ko kinailangang mapunta sa sitwasyon
na iyon bagkus binigyan Niya ako ng mga kaibigan na nandoon sa sitwasyon na
iyon para makita ang kabilang mukha nito at mabura ang pagiging mapanghusga ko.
Hindi lahat ng kabit
ay pera lang ang habol. At lalong hindi din tawag lang ng laman. Maraming mga
dahilan kung bakit madami ang nahuhulog
sa ganitong sitwasyon. Kagaya na lamang ni Nicole (Maja Salvador) sa The Legal
Wife. Nang naramdaman niyang unti-unti na syang nahuhulog kay Adrian (Jericho
Gonzales), nag-effort sya talagang umiwas at pigilan ang kanyang nararamdaman
sapagkat alam niyang ito ay mali, masalimuot at masasaktan sya at lalo ang
kanyang bestfriend na si Monica (Angel Locsin). Pero may mga bagay talaga na
kahit ano man ang gawin mong pagpipigil ay sadyang mahirap gawin. Tukso ika
nga. Ganoon din naman ang ginawa ni Adrian.
Isa lamang ito sa mga
instances kung bakit natutukso ang iba. Mayroon namang iba na sinasaktan ng
kanilang asawa or hindi kaya pinakasal lang dahil sa ginusto ng mga
magulang. Nagsasama sa kasal na wala namang pagmamahal. Sa ganitong
pagkakataon, hindi mo masisisi ang asawa na maghanap ng iba.
Ayun sa turo ng ating
Simbahan at sa batas ng ating lipunan, ang pangangalunya ay mali, kahit ano pa
man ang dahilan. Pero sino nga ba tayo para humusga? Lahat tayo may
kanya-kanyang kwento. Wala ni isa sa atin ang pwedeng humusga sapagkat hindi
natin lubos na alam ang bawat pinagdadaanan ng bawat isa. Hindi ko pinopromote
ang pagkakaroon ng extra marital affairs. Ang point ko lang, huwag tayong manghusga
sapagkat ni isa sa atin ay wala naming karapatang
gumawa nun. Hindi tayo Diyos para humatol sa kahit sino man sa atin.
Nagpost ako kahapon tungkol
sa isang scene sa The Legal Wife.
Nicole: Wala namang babaeng ginustong maging kabit. Pero nangyari. Naging Kabit ako
Matet (ndi ko alam
name nia sorry): Hindi kita maintindihan. Pero hindi kita huhusgahan dahil
kaibigan mo ako.
#relatemuch
At alam kong mayroong
nasaktan at as usual inakusahan akong insensitive at nagpapakarighteous. I beg
to disagree. Unang una insensitive ang tawag sa pagpost ng isang bagay na ndi
mo sadyang makasakit. Alam ko naman na may masasagasaan ako lalo na sa mga
kakilala ko dito sa Bahrain pero hindi ko pwedeng limitahan na lamang ang aking
sasabihin ayun lang sa mga tao dito. At lalong hindi din ako nagpapakarighteous
kasi alam ko sa sarili ko na kapag ako naman ang napunta sa ganyang sitwasyon
ay hindi ko maipapangako na hindi din mahuhulog ang loob ko. Hindi ko
maipapangako na balang araw, paggising ko na lang sa umaga, malalaman ko na
lang na naging kabit na din ako. Tao lang din ako katulad nyo.
Pero bilang kaibigan,
hindi ko pagbabawalan ang sarili ko na magbigay ng babala sa iba ko pang
kaibigan na huwag pumasok sa ganoong sitwasyon. Hindi dahil sa ito ay mali ayun
sa mata ng tao, pero dahil ang pagiging kabit ay masalimuot na sitwasyon.
Regardless sa naging dahilan, pareho pa rin ang pagdadaanan. Hindi mo pwedeng
ipagsigawan o ipaglaban ang taong mahal mo. Hindi pwedeng maging sa iyo ng buo ang
isang bagay na mayroon kang kahati. Na kahit ano pa man ang gawin mo, huhusgahan ka pa din ng ating mapanuring lipunan. At higit sa lahat, marami ang masasaktan: ikaw, siya, ang mga pamilya ninyo at ang mga taong nagmamahal sa inyo. Walang sino mang matinong kaibigan na gugustuhin na makita ang mga taong mahalaga sa iyo na nahihirapan. Kaya kahit na may magalit sa akin at mang-akusa, ayos lang. Importante sa akin ang mga taong mahal ko. At pati ang mga kaibigan ko na sa paningin ng iba ay madumi, hanggang ngayon pinapahalagahan ko pa din sila. Kung nasasaktan ko man sila, iyon ay dahil mahal ko sila. Mas mag-alala ka kung wala ng may pakialam sa iyo.
Aggree with you tol... Let's face it realistic talaga yung show, and madami talaga masasagasaan, kung me natamaan man sa simpleng post mo, guilty sila pero gaya ng sabi mo wala kng intensyon sa ginawa mo. Lahat tau me choices, freedom, nasa sa atin na kng kng ano gagawain natin...
ReplyDelete