Pwede po bang mag kwento? (Part1) (mar.2,'10 11:56am)


Kung si Vice Ganda ay pamoso sa “May Nagtext!”, ang “Pwede po bang magkwento?” ang nausong panimula ng bawat speaker sa Gawain dahil na rin sa impluwensya ni Father Leny na naging bisitang pari dito sa Bahrain noong nakaraang taon 2009.


Maraming mga kwento akong narinig mula noon. At marami sa mga ‘yon ang tumatak sa aking puso’t isipan.


Ang kwento ng taong madasalin
May isang taong laging nagdarasal. Simple at nag-iisa lamang ang kanyang Prayer Request...
”Ang pagbabati ng kanyang magulang at kapatid na matagal ng may hidwaan”


Lagi siyang nagsisimba at umaattend ng prayer meeting. Lagi niyang sinusulat ang kanyang prayer request at pinagdarasal ang kanyang natatanging kahilingan. Ngunit sa tinagal tagal ng kanyang pagdalo at paghiling kay Bro na matupad ito, hindi pa rin ipanagkaloob sa kanya.

Lumapit at tinanong niya si Bro.Mike hinggil dito. At ito ang nakuha niyang kasagutan:


Ang Diyos ay parang manggagamot. Kung ang iyong anak ay maysakit hindi ba’t dadalhin mo sya sa hospital/clinic para ipagamot sa Doctor. Pinagkakatiwalaan mo ang Doctor na magagamot niya ang sakit ng iyong anak.


Ang Diyos ay parang Mekaniko. Kung ang iyong sasakyan ay nasira hindi ba’t dinadala mo ito sa talyer upang ipaayos sa Mekaniko. Kapag sinabi ng mekanikong balikan mo na lang kinabukasan, ito ay iyong sinusunod at tiwala kang magagawa niya ito kinabukasan.


Tiwala...yan ang kulang sa bawat isa sa atin. Madalas tayong manalangin sa Kanya pero hindi tayo nagtitiwalang ibibigay Niya ito. Laging meron tayong pangamba at agam-agam na nararamdaman. Hindi ba’t walang impossible kay Yahweh. Ilang beses bang kailangang patunayan ni Lord na hindi Niya tayo pababayaan. Oras na para tayo ay manalig at manampalataya sa kanya ng buong-buo at pagkatiwalaan Siya na kahit kailan hinding-hindi Niya tayo bibitawan kahit pa tayo ang madalas gumawa nun sa Kanya.

Ang sabi nga ni Santino: “Magtiwala ka!”


Sobrang tagal na mula ng huli akong mag post dito....Naisipan ko lang ulit magsulat....Sana may bumasa hehehe

Buhay Simbahan
Lumaki akong naglilingkod sa simbahan. Active kung active ika nga. Natatandaan ko pa nga lagi akong pinapagalitan ng papa ko kasi halos hindi na ako umuuwi sa amin dahil nasa simbahan ako buong araw. Mula ng maging leader ako ng mga “Angel” na kumakanta sa panahon ng Salubong or Sugat (sa bisaya), nagtuloy-tuloy na ako sa pagsali ng choir. Sa choir din ako natutong tumugtog ng gitara at organ. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na tumugtog ako sa misa. Misa ‘yon para sa patay. Napakamemorable nga naman.


Maraming naging malapit na kaibigan at meron ding nakasamaan ng loob. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon sa samahan. Mga kaibigang namimiss ko sa ngayon. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?

Maaga din akong naexpose sa mga batikos laban sa simbahan kaya ang daming tanong sa aking murang isipan. Mga tanong na unti-unting nagpalayo sa akin sa paglilingkod sa Kanya habang ako ay lumalaki. May mga pagkakataong nagtatampo ako sa Kanya sa mga problemang dumarating at sa mga kahilingan kong hindi natutupad.

Pero nagbago ang lahat mula nang maging member ako ng El Shaddai-Bahrain Chapter. Datapwat maraming iba’t ibang grupo sa Simbahan, ramdam kong dito Niya ako tinawag. Sa unang pag-attend ko pa lang sa Gawain/Praise and Worship, naramdaman ko ng “Im Home”. Marami akong natutunan sa bawat Friday na ako’y umaattend. Narinig ko ang Kanyang Banal na Salita na unti-unting nagbibigay liwanag sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Bakit nga ba hindi nauubos ang problema?


Dati rati sa tuwing may mga pagsubok, nakakaramdam ako ng tampo sa Itaas. Pero ngayon mas naliligayahan ako sa tuwing may problemang dumarating. Mas lalo kong nararamdaman ang Kanyang pagmamahal. Mahal ako ng Diyos. Mahal tayong lahat ng Diyos. Kaya Niya tayo sinusubok para tayo ay lalong lumakas, mapabuti at mapalapit sa Kanya. Na tayo ay parang ginto na matindi ang pinagdaraanang proseso ng paglilinang sa apoy para mas gumanda ang kalidad. Ika nga sa Kanyang Banal na Salita, mas mapalad ang nakakaranas ngayon ng gutom, hirap at kalungkutan sapagkat gagantimpalaan sa Langit.


Bakit nga ba may mga kahilingan tayong matagal o hindi Niya ipinagkakaloob?


Prayers are Useless...without FAITH deep within... Isa sa mga natutunan ko ay ang Pagdarasal ng may buong Pananalig at Pananampalataya. Kailangan nating matutunang Manalig at Manampalataya sa Kanya ng Buong-buo at walang pag-aalinlangan. Walang impossible kay Yahweh. Kailangan lang nating itaas sa Kanya lahat ng ating mga dalahin at tiyak na ipagkakaloob Niya ‘yon sa takdang panahon. Sa Kanyang panahon.


God’s time is never late. It is Always The Best Time.

------

march 1,2010

10:00 pm

Isang buwang nagbakasyon ang aming tunay na tagamaneho kaya kumuha ng pansamantalang tagamaneho ang kumpanyang aking pinapasukan.

Itago na lang natin siya sa pangalang "Biryani". Isang nilalang na galing sa PUGOlandia. Pugo o Pana ang tawag namin sa mga taong mas kilala sa atin sa tawag na Bombay. Si Biryani ay medyo angat ang pamumuhay. Mayroon siyang kotse at mga negosyo. Bagamat aral, mahirap unawain ang paggamit niya ng salitang Ingles. Ito ang isang insidenteng hindi ko makakalimutan:

Nene: "Biryani, please deliver this receipt to our client and pick up the cheque as well."

Biryani: "Okay! No problem."

Pagkalipas ng dalawang araw:

Nene: "Have you delivered the receipt?"

Biryani: "Yeah, Finished!"

(*finish ang lagi nilang ginagamit na salita kapag ang tinutukoy nila ay tapos na, wala na o ubos na ang isang bagay o pangyayari na hindi na inaalintana kung naayon sa pangungusap)

Pagkalipas ng isang linggo tumawag ang aming kliyente upang ipaalam na hindi pa nakukuha ang tseke.

Nene: "My friend, did you already get the cheque?"

Biryani: "Yeah, Finished!" (sabay ngiti)

Nene: "The client just called to inform that the cheque is still with them. When are you going to get it?"

Biryani: "I'm not going!" (sabay ngiti ulit)

Nene: "You're not going? But why?"

Biryani: "I'm not going! You ask PUSA"
(si Pusa ang aming tagabilang o accountant na isa ring expat na galing sa asya)

Para umiksi ito, nag-usap si Nene at si Pusa. Kinausap din ni Pusa si Biryani upang itanong kung bakit ayaw niyang pumunta at ganoon pa rin ang naging sagot ni Biryani. Isang malupit na "I'm not going!"

Walang nagawa si Pusa kundi kausapin ang aming Tagapamahala na si Majinbo na isa ding taga PUGOlandia. Nag-usap si Majinbo at Biryani gamit ang kanilang lenggwahe. Mariing itinanggi ni Biryani na ayaw niyang pumunta sa aming kliyente. Ang ibig pala niyang sabihin ng "I'm not going" ay "HINDI PA AKO NAKAKAPUNTA". At doon naliwanagan ang lahat. tsk tsk tsk



Karugtong na Kwento nito:

Kwentong Disyerto: Lenggwahe

Isang araw matapos kong ilathala ang paksa hinggil sa nangyari sa akin sa nakalipas na taon, ako'y sinubok at kasalukuyang natatalo ang aspetong emosyonal ng aking pagkatao.

Nakagawian ko na atang maging malungkot ilang araw bago ang aking kaarawan. Nagmistula na ata itong okasyon na taun-taon ko ding nararanasan.

Bakit kapag ikaw ay malungkot maraming mga tanong na naglalaro sa iyong isipan? Mga tanong na lalong nagpapababa ng iyong moral. Meron nga kayang nagbibigay halaga sa aking pagkatao??? Meron nga ba akong silbi o kung meron ba akong magandang nagagawa sa aking kapwa??? Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin habang ako ay may " "Down" Syndrome"



[[Gel's Profile]]

Emo Mode: Activated

Isang linggo mula sa araw na ito ay ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na 'yun. Noong nakaraang taon, kami ay naghanda ng mga pagkaing kalye kagaya ng inihaw na isaw at baboy at nagpagawa ng "dirty ice cream". Ang saya ko 'nun. Simple pero masaya ang aking pagdiriwang.

Noong bata pa ako, lagi kong iniisip kung ano na kaya ang magiging buhay ko sa taon na ang gulang ko ay ang araw ng aking kapanganakan. Ano na nga ba ang narating ko? Meron nga kaya?

Maraming nangyari sa buhay ko nitong nagdaang taon.

  • Unang pagkakataon kong magtrabaho sa ibang bansa at bumiyahe sa sasakyang panghimpapawid nang sampung oras. Lubhang nakakainip pala 'yun. Nasanay lang kasi ako sa dalawang oras lamang na byahe.

  • Dito sa Kaharian ng Bahrain nakasama ko ang mga taong nagiging malaking parte na din ng buhay ko. Mga matalik na kaibigan na alam kong habang buhay kong pahahalagahan.

  • Sumakabilang buhay ang aking ama at ang aking alagang aso na si Coykee. Sa paglisan ng dalawa sa importanteng nilalang sa buhay ko, labis akong nagdalamhati. Masasabi kong naging napakabigat na dagok ito para sa akin. Natanggap ko na nawala na sila pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at umiyak sa tuwing naiisip ko na sa aking muling pag-uwi sa Pinas, hindi ko na sila muli pang masisilayan.

  • Nagbalik-loob ako sa Kanyang Simbahan. Hindi man talaga ako umalis pero ngayon, muling nabuhay sa aking puso ang pagnanais na muli Syang paglingkuran. Ang Kanyang Banal na Salita ang unti-unting nagpapabago sa aking katauhan.

Sa ngayon hindi man ako mayaman sa salapi at iba pang materyal na bagay, unti-unti ko namang nabubuo ang aking pagkatao. Ika nga "Madaling maging tao, mahirap magpakatao".



PS

Ako'y labis na nag-aalala sapagkat marami na akong natatanggap na paunang pagbati para sa aking kaarawan. Meron pa kayang babati sa akin sa mismong araw ng aking kapanganakan??? Isa ka kaya sa mga 'yun?

Huling-huli nalang:
Maari bang humingi ng mungkahi kung paano magandang ipagdiwang ang aking kaarawan. salamat po.
Ang mga kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan ko at ng aking mga kaibigan dito sa bansang aking pinagtatrabahuan.

Halos kalahati ng mga tao dito ay binubuo ng mga kagaya kong dayuhan o expat. Maraming mga bagay o pangyayari dito na para sa akin ay kakaiba sa ginagisnan ko. Ang paksa ko ngayon ay "lenggwahe".

Karamihan o halos lahat ata sa mga lokal na nakatira dito ay hindi makabigkas ng letrang "P". Sa halip pinapalitan nila ng letrang "B" ang letrang "P". Ilan sa mga sumusunod ang mga pangyayaring ginagamitan ng letrang "B":

Sa aming opisina, isang "lokal" ang aming tagasagot o sa wikang Ingles ay "Receptionist" na itatago natin sa pangalang "Adliya"

Adliya: "Inday! Give me BEBER?"
Inday: "For what?"
Adliya: "I BRINT"
Inday: "What size?"
Adliya: "A BOUR"


Inday: "Adliya let's order some food. What do you want?"
Adliya: "I want BIZZA?"
Inday: "Ah okay! What flavor?"
Adliya: "Anything....okay... I want BEBBERONI"
Inday: "How about drinks?"
Adliya: "Hmmmm give me BEBSI"


Madalas ang tawag sa amin dito ay "BILIBINO". Minsan nga naiisip ko siguro ang talagang pangalan ng kanilang bansa ay dating nagsisimula sa letrang "P" pinalitan nalang sa kadahilanang hindi talaga nila mabigkas ang letrang 'yon. Kagaya na lamang sa isang karatulang aking nakita dito na ang nakalagay ay "NO BARKING" (siguro alam niyo na kung ano ang ibig sabihin niyan).

Your not just my pet for 6 years but I treated you like my own baby...Thank you for the memories...for always being there for me...Dunno how can I cope up after losing you.. I will terribly miss you Coykee