Bakit nga ba sa Bahrain?
Hindi ko rin alam. Hindi ko pinangarap na magtrabaho sa ibang bansa. Ang gusto ko lang dati eh mamasyal or kung mag-aabroad man eh gusto ko kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
Nang mapadpad ako dito sa Gitnang Silangan, tinatanong ko din sa sarili ko kung bakit naman sa dinami-dami ng bansa eh dito pa sa Middle East at dito pa sa Bahrain na dati eh wala man lang akong idea kung sanglupalop ng mundo naroroon. Sa mga tulad kong wala ding alam ito po ang link ng Bahrain hehehe http://www.bahraintourism.com
Sa ngayon, hindi ko pa rin talaga alam ang direct na sagot kung bakit Bahrain pero sadyang may plano si Lord kung bakit nga ba dito. Dito, nakilala ko ang ilang mga taong naging malaking bahagi ng buhay ko sa ngayon. Dito, natuto akong mamuhay mag-isa pero kalaunan mas lumawak ang mundo ko sa piling ng mga taong kagaya ko'y sabik din sa pagmamahal ng kanilang pamilya. At higit sa lahat, ang Bahrain ang naging daan para matagpuan kong muli si Yahweh El Shaddai. Hindi naman talaga ako lumayo sa kanya at sa kanyang Simbahan pero dito sa Bahrain ko muling natagpuan ang sariling kong sumasayaw at nagpupuri sa kanya.
Masaya ako at kailanman hinding hindi ko makakalimutan ang Bahrain dahil dito ko natagpuan ang matagal ko ng hinahanap hanap. Dito ako nabago at pilit na nagbabago.Dito muling lumakas ang pananampalataya ko. Ito ang naging daan sa muli kong pagpapahalaga sa buhay at sa mga taong nagmamahal sa kin.

Hi Anak! Lahat nga ay may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat tulad ng pagpunta mo sa Bahrain. Masaya ako at natagpuan mo na rin ang sagot sa tanong mo na bakit sa Bahrain? God bless.
ReplyDelete