Matagal ko ng gustong maging parte ulit ng mga samahang nagseserbisyo sa Simbahan.
Nung nasa Pinas ako, isa akong aktibong miyembro ng mang-aawit sa simbahan pero napilitang tumigil sa maraming kadahilanan (at kung gusto nyong malaman kung ano 'yon ay pwede nyo akong padalhan ng "liham pangkalawakan" email ika nga)
Nang magawi ako dito sa Gitnang Silangan, ako'y muling nagbalik loob. Teka hindi naman talaga ako lumayo pero natigil o pansamanTagal akong nawalan ng pagkakataong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Naging instrumento ang aking mahal na ina dito sa Bahrain na si Nanay Jayvee para matagpuan ko ang pangkat na gusto ng puso kong salihan. Inanyayahan niya rin ako sampu ng iba pang mga kapatid na sumali sa Ministro ng Musika pero hanggang sa mga sandaling ito ay marami pa akong mga bagay na isinaalang-alang kaya hindi ko pa magawang tugunan ang "tawag" na yaon.
Kahapon, ika-26 ng Abril [cut-off ng sahod (pero walang kinalaman 'yon sa kwento ko)]
Tumawag kay Nanay Jayvee ang aming "Punong Tagapag-ugnayan (coordinator naman yan imbento ko lang). Tinanong niya ako at ang aking matalik na kaibigan kung kami ay interesado sa isang gawain sa Simbahan. Agad akong pumayag at labis na natuwa nang aking malaman na kami ng aking matalik na kaibigan ang unang pumasok sa kanyang isipan para sa gawaing 'yon. Bagamat wala pang tiyak na pagtatalaga sapagkat kasalukuyan pang hinihintay ang pasya ng aming mahal na Pari, siksik liglig at umaapaw pa rin ang kasiyahan sa aking puso. Sana nawa'y mapili kami at ng kami ay makapag-umpisa na sa pagbigay ng aming serbisyo sa Kanya kahit sa payak na pamamaraan lamang.
Ang akin pong tinutukoy na gawain ay ang maging
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
Projector Operator :)
No comments:
Post a Comment