Dreams do come true ♥

Dreams do come true ♥

Tuesday, May 19, 2009

Kwentong Disyerto: "Maneho" Part 1

Isang buwang nagbakasyon ang aming tunay na tagamaneho kaya kumuha ng pansamantalang tagamaneho ang kumpanyang aking pinapasukan.

Itago na lang natin siya sa pangalang "Biryani". Isang nilalang na galing sa PUGOlandia. Pugo o Pana ang tawag namin sa mga taong mas kilala sa atin sa tawag na Bombay. Si Biryani ay medyo angat ang pamumuhay. Mayroon siyang kotse at mga negosyo. Bagamat aral, mahirap unawain ang paggamit niya ng salitang Ingles. Ito ang isang insidenteng hindi ko makakalimutan:

Nene: "Biryani, please deliver this receipt to our client and pick up the cheque as well."

Biryani: "Okay! No problem."

Pagkalipas ng dalawang araw:

Nene: "Have you delivered the receipt?"

Biryani: "Yeah, Finished!"

(*finish ang lagi nilang ginagamit na salita kapag ang tinutukoy nila ay tapos na, wala na o ubos na ang isang bagay o pangyayari na hindi na inaalintana kung naayon sa pangungusap)

Pagkalipas ng isang linggo tumawag ang aming kliyente upang ipaalam na hindi pa nakukuha ang tseke.

Nene: "My friend, did you already get the cheque?"

Biryani: "Yeah, Finished!" (sabay ngiti)

Nene: "The client just called to inform that the cheque is still with them. When are you going to get it?"

Biryani: "I'm not going!" (sabay ngiti ulit)

Nene: "You're not going? But why?"

Biryani: "I'm not going! You ask PUSA"
(si Pusa ang aming tagabilang o accountant na isa ring expat na galing sa asya)

Para umiksi ito, nag-usap si Nene at si Pusa. Kinausap din ni Pusa si Biryani upang itanong kung bakit ayaw niyang pumunta at ganoon pa rin ang naging sagot ni Biryani. Isang malupit na "I'm not going!"

Walang nagawa si Pusa kundi kausapin ang aming Tagapamahala na si Majinbo na isa ding taga PUGOlandia. Nag-usap si Majinbo at Biryani gamit ang kanilang lenggwahe. Mariing itinanggi ni Biryani na ayaw niyang pumunta sa aming kliyente. Ang ibig pala niyang sabihin ng "I'm not going" ay "HINDI PA AKO NAKAKAPUNTA". At doon naliwanagan ang lahat. tsk tsk tsk



Karugtong na Kwento nito:

Kwentong Disyerto: Lenggwahe

Monday, May 18, 2009

"Down" Syndrome

Isang araw matapos kong ilathala ang paksa hinggil sa nangyari sa akin sa nakalipas na taon, ako'y sinubok at kasalukuyang natatalo ang aspetong emosyonal ng aking pagkatao.

Nakagawian ko na atang maging malungkot ilang araw bago ang aking kaarawan. Nagmistula na ata itong okasyon na taun-taon ko ding nararanasan.

Bakit kapag ikaw ay malungkot maraming mga tanong na naglalaro sa iyong isipan? Mga tanong na lalong nagpapababa ng iyong moral. Meron nga kayang nagbibigay halaga sa aking pagkatao??? Meron nga ba akong silbi o kung meron ba akong magandang nagagawa sa aking kapwa??? Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin habang ako ay may " "Down" Syndrome"



[[Gel's Profile]]

Emo Mode: Activated

Sunday, May 17, 2009

Vente Cuatro

Isang linggo mula sa araw na ito ay ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na 'yun. Noong nakaraang taon, kami ay naghanda ng mga pagkaing kalye kagaya ng inihaw na isaw at baboy at nagpagawa ng "dirty ice cream". Ang saya ko 'nun. Simple pero masaya ang aking pagdiriwang.

Noong bata pa ako, lagi kong iniisip kung ano na kaya ang magiging buhay ko sa taon na ang gulang ko ay ang araw ng aking kapanganakan. Ano na nga ba ang narating ko? Meron nga kaya?

Maraming nangyari sa buhay ko nitong nagdaang taon.

  • Unang pagkakataon kong magtrabaho sa ibang bansa at bumiyahe sa sasakyang panghimpapawid nang sampung oras. Lubhang nakakainip pala 'yun. Nasanay lang kasi ako sa dalawang oras lamang na byahe.

  • Dito sa Kaharian ng Bahrain nakasama ko ang mga taong nagiging malaking parte na din ng buhay ko. Mga matalik na kaibigan na alam kong habang buhay kong pahahalagahan.

  • Sumakabilang buhay ang aking ama at ang aking alagang aso na si Coykee. Sa paglisan ng dalawa sa importanteng nilalang sa buhay ko, labis akong nagdalamhati. Masasabi kong naging napakabigat na dagok ito para sa akin. Natanggap ko na nawala na sila pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at umiyak sa tuwing naiisip ko na sa aking muling pag-uwi sa Pinas, hindi ko na sila muli pang masisilayan.

  • Nagbalik-loob ako sa Kanyang Simbahan. Hindi man talaga ako umalis pero ngayon, muling nabuhay sa aking puso ang pagnanais na muli Syang paglingkuran. Ang Kanyang Banal na Salita ang unti-unting nagpapabago sa aking katauhan.

Sa ngayon hindi man ako mayaman sa salapi at iba pang materyal na bagay, unti-unti ko namang nabubuo ang aking pagkatao. Ika nga "Madaling maging tao, mahirap magpakatao".



PS

Ako'y labis na nag-aalala sapagkat marami na akong natatanggap na paunang pagbati para sa aking kaarawan. Meron pa kayang babati sa akin sa mismong araw ng aking kapanganakan??? Isa ka kaya sa mga 'yun?

Huling-huli nalang:
Maari bang humingi ng mungkahi kung paano magandang ipagdiwang ang aking kaarawan. salamat po.

Saturday, May 9, 2009

Kwentong Disyerto: "Lenggwahe"

Ang mga kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan ko at ng aking mga kaibigan dito sa bansang aking pinagtatrabahuan.

Halos kalahati ng mga tao dito ay binubuo ng mga kagaya kong dayuhan o expat. Maraming mga bagay o pangyayari dito na para sa akin ay kakaiba sa ginagisnan ko. Ang paksa ko ngayon ay "lenggwahe".

Karamihan o halos lahat ata sa mga lokal na nakatira dito ay hindi makabigkas ng letrang "P". Sa halip pinapalitan nila ng letrang "B" ang letrang "P". Ilan sa mga sumusunod ang mga pangyayaring ginagamitan ng letrang "B":

Sa aming opisina, isang "lokal" ang aming tagasagot o sa wikang Ingles ay "Receptionist" na itatago natin sa pangalang "Adliya"

Adliya: "Inday! Give me BEBER?"
Inday: "For what?"
Adliya: "I BRINT"
Inday: "What size?"
Adliya: "A BOUR"


Inday: "Adliya let's order some food. What do you want?"
Adliya: "I want BIZZA?"
Inday: "Ah okay! What flavor?"
Adliya: "Anything....okay... I want BEBBERONI"
Inday: "How about drinks?"
Adliya: "Hmmmm give me BEBSI"


Madalas ang tawag sa amin dito ay "BILIBINO". Minsan nga naiisip ko siguro ang talagang pangalan ng kanilang bansa ay dating nagsisimula sa letrang "P" pinalitan nalang sa kadahilanang hindi talaga nila mabigkas ang letrang 'yon. Kagaya na lamang sa isang karatulang aking nakita dito na ang nakalagay ay "NO BARKING" (siguro alam niyo na kung ano ang ibig sabihin niyan).

Saturday, May 2, 2009

My Dear Coykee


Your not just my pet for 6 years but I treated you like my own baby...Thank you for the memories...for always being there for me...Dunno how can I cope up after losing you.. I will terribly miss you Coykee