Isang araw matapos kong ilathala ang paksa hinggil sa nangyari sa akin sa nakalipas na taon, ako'y sinubok at kasalukuyang natatalo ang aspetong emosyonal ng aking pagkatao.

Nakagawian ko na atang maging malungkot ilang araw bago ang aking kaarawan. Nagmistula na ata itong okasyon na taun-taon ko ding nararanasan.

Bakit kapag ikaw ay malungkot maraming mga tanong na naglalaro sa iyong isipan? Mga tanong na lalong nagpapababa ng iyong moral. Meron nga kayang nagbibigay halaga sa aking pagkatao??? Meron nga ba akong silbi o kung meron ba akong magandang nagagawa sa aking kapwa??? Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin habang ako ay may " "Down" Syndrome"



[[Gel's Profile]]

Emo Mode: Activated

7 comments:

Anonymous said...

honga, ako rin may tanong pag ganyan. bakit ako malungkot.

Ako si Ghelai said...

salamat sa pagbisita...sana malaman ko kung sino ka

HARI NG SABLAY said...

hapi bday...:) ako dn mnsan gnyan,emo ang dating,hehe

Kablogie said...

Yaan nyo mga ka-bloggers padadalhan ko kyo minsan ng psychiatrist hehehe..joke lang..natural lang siguro sa buhay ng tao ang magkaroon ng ganitong emotions..minsan kasi meron isang pangyayari sa buhay natin na bigla na lang tayo nalulungkot lalo na ang dahilan nito eh about yun mga past experiences...haaaaayyyy life!

Ako si Ghelai said...

@ Hari ng Sablay- salamat sa pagbati... idol kita khit pa kita kilala pero natutuwa tlga ako sa mga posts mo...isang karangalan ang dumaan ka ulit dito..naks hehehe

@ Kablogie- salamat sa pakikiemo hehehe...san ka nga ba sa middle east?

Anonymous said...

elisha un gel, anonymous. nkalimutan mglagay ng name.

ahh, tagal pa bday ko pero ngaun plng down syndrome na. hehe

takot sa bertdey. haha

Ako si Ghelai said...

nyay ikaw pla un....

at ng dahil sa down syndrome nagkaron na tau ng phobia sa berdey anu ba un hehehe

Post a Comment