Dreams do come true ♥

Dreams do come true ♥

Tuesday, March 2, 2010

Buhay Simbahan-Part1


Sobrang tagal na mula ng huli akong mag post dito....Naisipan ko lang ulit magsulat....Sana may bumasa hehehe

Buhay Simbahan
Lumaki akong naglilingkod sa simbahan. Active kung active ika nga. Natatandaan ko pa nga lagi akong pinapagalitan ng papa ko kasi halos hindi na ako umuuwi sa amin dahil nasa simbahan ako buong araw. Mula ng maging leader ako ng mga “Angel” na kumakanta sa panahon ng Salubong or Sugat (sa bisaya), nagtuloy-tuloy na ako sa pagsali ng choir. Sa choir din ako natutong tumugtog ng gitara at organ. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na tumugtog ako sa misa. Misa ‘yon para sa patay. Napakamemorable nga naman.

Maraming naging malapit na kaibigan at meron ding nakasamaan ng loob. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon sa samahan. Mga kaibigang namimiss ko sa ngayon. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?
Maaga din akong naexpose sa mga batikos laban sa simbahan kaya ang daming tanong sa aking murang isipan. Mga tanong na unti-unting nagpalayo sa akin sa paglilingkod sa Kanya habang ako ay lumalaki. May mga pagkakataong nagtatampo ako sa Kanya sa mga problemang dumarating at sa mga kahilingan kong hindi natutupad.
Pero nagbago ang lahat mula nang maging member ako ng El Shaddai-Bahrain Chapter. Datapwat maraming iba’t ibang grupo sa Simbahan, ramdam kong dito Niya ako tinawag. Sa unang pag-attend ko pa lang sa Gawain/Praise and Worship, naramdaman ko ng “Im Home”. Marami akong natutunan sa bawat Friday na ako’y umaattend. Narinig ko ang Kanyang Banal na Salita na unti-unting nagbibigay liwanag sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Bakit nga ba hindi nauubos ang problema?

Dati rati sa tuwing may mga pagsubok, nakakaramdam ako ng tampo sa Itaas. Pero ngayon mas naliligayahan ako sa tuwing may problemang dumarating. Mas lalo kong nararamdaman ang Kanyang pagmamahal. Mahal ako ng Diyos. Mahal tayong lahat ng Diyos. Kaya Niya tayo sinusubok para tayo ay lalong lumakas, mapabuti at mapalapit sa Kanya. Na tayo ay parang ginto na matindi ang pinagdaraanang proseso ng paglilinang sa apoy para mas gumanda ang kalidad. Ika nga sa Kanyang Banal na Salita, mas mapalad ang nakakaranas ngayon ng gutom, hirap at kalungkutan sapagkat gagantimpalaan sa Langit.

Bakit nga ba may mga kahilingan tayong matagal o hindi Niya ipinagkakaloob?

Prayers are Useless...without FAITH deep within... Isa sa mga natutunan ko ay ang Pagdarasal ng may buong Pananalig at Pananampalataya. Kailangan nating matutunang Manalig at Manampalataya sa Kanya ng Buong-buo at walang pag-aalinlangan. Walang impossible kay Yahweh. Kailangan lang nating itaas sa Kanya lahat ng ating mga dalahin at tiyak na ipagkakaloob Niya ‘yon sa takdang panahon. Sa Kanyang panahon.

God’s time is never late. It is Always The Best Time.
------
march 1,2010
10:00 pm

No comments:

Post a Comment