Kung si Vice Ganda ay pamoso sa “May Nagtext!”,
ang “Pwede po bang
magkwento?” ang nausong panimula ng bawat speaker sa Gawain dahil na rin sa
impluwensya ni Father Leny na naging bisitang pari dito sa Bahrain noong
nakaraang taon 2009.
Maraming mga kwento na akong narinig mula noon. At marami sa mga
‘yon ang tumatak sa aking puso’t isipan.
*Ang kwento ng taong madasalin
May isang taong laging nagdarasal.
Simple at nag-iisa lamang ang kanyang Prayer Request...
”Ang pagbabati
ng kanyang magulang at kapatid na matagal ng may hidwaan”
Lagi siyang nagsisimba at umaattend ng prayer meetings. Lagi
niyang sinusulat ang kanyang prayer request at pinagdarasal ang kanyang
natatanging kahilingan. Ngunit sa tinagal-tagal ng kanyang pagdalo at paghiling
kay BRO na matupad ito, hindi pa rin ito ipanagkaloob sa kanya.
Lumapit at tinanong niya si Bro.Mike hinggil dito. At ito ang
nakuha niyang kasagutan:
“Ang Diyos ay parang Manggagamot.
Kung ang iyong anak ay maysakit hindi ba’t dadalhin mo sya sa hospital/clinic
para ipagamot sa Doctor. Pinagkakatiwalaan mo ang Doctor na magagamot niya ang
sakit ng iyong anak.
Ang Diyos ay parang Mekaniko.
Kung ang iyong sasakyan ay nasira hindi ba’t dinadala mo ito sa talyer upang
ipaayos sa Mekaniko. Kapag sinabi ng mekanikong balikan mo na lang kinabukasan,
ito ay iyong sinusunod at tiwala kang magagawa niya ito kinabukasan.
TIWALA...yan ang kulang sa bawat isa sa
atin. Madalas tayong manalangin sa Kanya pero hindi tayo nagtitiwalang ibibigay
Niya ito. Laging meron tayong pangamba at agam-agam na nararamdaman. Hindi ba’t
walang impossible kay Yahweh? Ilang beses bang kailangang patunayan ni Lord na
hindi Niya tayo pababayaan? Oras na para tayo ay manalig at manampalataya sa
kanya ng buong-buo at pagkatiwalaan Siya na kahit kailan hinding-hindi Niya
tayo bibitawan kahit pa tayo ang madalas gumawa nun sa Kanya.
Ang sabi nga ni Santino: “Magtiwala ka!”
No comments:
Post a Comment