Kapag 27 kna eh nasa gitna kna ng iba’t ibang generations. Pwede kang makarelate pa sa mga teenagers at makipag bff naman sa mga “oldies”.
Sa point na ito ng buhay ko, masasabi ko talagang hindi sukatan ang edad para basehan ng maturity. Ang iba kasi kapag 30s na kung makaasta eh matured na matured na daw at kung makapagpayo sa mga tulad kng nasa 20s bracket eh sasabihan ka na “immature ka pa kasi”
Lahat naman ata ng ages eh may kanya kanyang issues sa buhay eh. Katulad na lamang sa mga mag jowa or friendships na nagkatampuhan or talagang nag-away. Kapag mas bata ang involved mas madaling magpatawad at makalimot. Konting suyuan at effort lang eh okay na. Samantalang kapag ang mga “oldies” ang involved, asahan mong nakailang palit na ng Presidente ay hindi pa din magbabati. So sino ngayon ang matured?
Ang problema kasi sa mga “oldies” imbes na hinubog na ng tadhana ang pagkatao ay sumama namang nadumihan at tumigas ang puso.
Kaya ako di bale ng masabihan akong carefree at immature kesa matulad sa mga kakilala kong may “matured” na images pero puno ng hinanakit ang puso. Hindi ko kailangan ng magandang image. Mas importante sa akin ang laman ng ❤
No comments:
Post a Comment