Dreams do come true ♥

Dreams do come true ♥

Tuesday, May 19, 2009

Kwentong Disyerto: "Maneho" Part 1

Isang buwang nagbakasyon ang aming tunay na tagamaneho kaya kumuha ng pansamantalang tagamaneho ang kumpanyang aking pinapasukan.

Itago na lang natin siya sa pangalang "Biryani". Isang nilalang na galing sa PUGOlandia. Pugo o Pana ang tawag namin sa mga taong mas kilala sa atin sa tawag na Bombay. Si Biryani ay medyo angat ang pamumuhay. Mayroon siyang kotse at mga negosyo. Bagamat aral, mahirap unawain ang paggamit niya ng salitang Ingles. Ito ang isang insidenteng hindi ko makakalimutan:

Nene: "Biryani, please deliver this receipt to our client and pick up the cheque as well."

Biryani: "Okay! No problem."

Pagkalipas ng dalawang araw:

Nene: "Have you delivered the receipt?"

Biryani: "Yeah, Finished!"

(*finish ang lagi nilang ginagamit na salita kapag ang tinutukoy nila ay tapos na, wala na o ubos na ang isang bagay o pangyayari na hindi na inaalintana kung naayon sa pangungusap)

Pagkalipas ng isang linggo tumawag ang aming kliyente upang ipaalam na hindi pa nakukuha ang tseke.

Nene: "My friend, did you already get the cheque?"

Biryani: "Yeah, Finished!" (sabay ngiti)

Nene: "The client just called to inform that the cheque is still with them. When are you going to get it?"

Biryani: "I'm not going!" (sabay ngiti ulit)

Nene: "You're not going? But why?"

Biryani: "I'm not going! You ask PUSA"
(si Pusa ang aming tagabilang o accountant na isa ring expat na galing sa asya)

Para umiksi ito, nag-usap si Nene at si Pusa. Kinausap din ni Pusa si Biryani upang itanong kung bakit ayaw niyang pumunta at ganoon pa rin ang naging sagot ni Biryani. Isang malupit na "I'm not going!"

Walang nagawa si Pusa kundi kausapin ang aming Tagapamahala na si Majinbo na isa ding taga PUGOlandia. Nag-usap si Majinbo at Biryani gamit ang kanilang lenggwahe. Mariing itinanggi ni Biryani na ayaw niyang pumunta sa aming kliyente. Ang ibig pala niyang sabihin ng "I'm not going" ay "HINDI PA AKO NAKAKAPUNTA". At doon naliwanagan ang lahat. tsk tsk tsk



Karugtong na Kwento nito:

Kwentong Disyerto: Lenggwahe

Monday, May 18, 2009

"Down" Syndrome

Isang araw matapos kong ilathala ang paksa hinggil sa nangyari sa akin sa nakalipas na taon, ako'y sinubok at kasalukuyang natatalo ang aspetong emosyonal ng aking pagkatao.

Nakagawian ko na atang maging malungkot ilang araw bago ang aking kaarawan. Nagmistula na ata itong okasyon na taun-taon ko ding nararanasan.

Bakit kapag ikaw ay malungkot maraming mga tanong na naglalaro sa iyong isipan? Mga tanong na lalong nagpapababa ng iyong moral. Meron nga kayang nagbibigay halaga sa aking pagkatao??? Meron nga ba akong silbi o kung meron ba akong magandang nagagawa sa aking kapwa??? Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin habang ako ay may " "Down" Syndrome"



[[Gel's Profile]]

Emo Mode: Activated

Sunday, May 17, 2009

Vente Cuatro

Isang linggo mula sa araw na ito ay ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na 'yun. Noong nakaraang taon, kami ay naghanda ng mga pagkaing kalye kagaya ng inihaw na isaw at baboy at nagpagawa ng "dirty ice cream". Ang saya ko 'nun. Simple pero masaya ang aking pagdiriwang.

Noong bata pa ako, lagi kong iniisip kung ano na kaya ang magiging buhay ko sa taon na ang gulang ko ay ang araw ng aking kapanganakan. Ano na nga ba ang narating ko? Meron nga kaya?

Maraming nangyari sa buhay ko nitong nagdaang taon.

  • Unang pagkakataon kong magtrabaho sa ibang bansa at bumiyahe sa sasakyang panghimpapawid nang sampung oras. Lubhang nakakainip pala 'yun. Nasanay lang kasi ako sa dalawang oras lamang na byahe.

  • Dito sa Kaharian ng Bahrain nakasama ko ang mga taong nagiging malaking parte na din ng buhay ko. Mga matalik na kaibigan na alam kong habang buhay kong pahahalagahan.

  • Sumakabilang buhay ang aking ama at ang aking alagang aso na si Coykee. Sa paglisan ng dalawa sa importanteng nilalang sa buhay ko, labis akong nagdalamhati. Masasabi kong naging napakabigat na dagok ito para sa akin. Natanggap ko na nawala na sila pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at umiyak sa tuwing naiisip ko na sa aking muling pag-uwi sa Pinas, hindi ko na sila muli pang masisilayan.

  • Nagbalik-loob ako sa Kanyang Simbahan. Hindi man talaga ako umalis pero ngayon, muling nabuhay sa aking puso ang pagnanais na muli Syang paglingkuran. Ang Kanyang Banal na Salita ang unti-unting nagpapabago sa aking katauhan.

Sa ngayon hindi man ako mayaman sa salapi at iba pang materyal na bagay, unti-unti ko namang nabubuo ang aking pagkatao. Ika nga "Madaling maging tao, mahirap magpakatao".



PS

Ako'y labis na nag-aalala sapagkat marami na akong natatanggap na paunang pagbati para sa aking kaarawan. Meron pa kayang babati sa akin sa mismong araw ng aking kapanganakan??? Isa ka kaya sa mga 'yun?

Huling-huli nalang:
Maari bang humingi ng mungkahi kung paano magandang ipagdiwang ang aking kaarawan. salamat po.

Saturday, May 9, 2009

Kwentong Disyerto: "Lenggwahe"

Ang mga kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan ko at ng aking mga kaibigan dito sa bansang aking pinagtatrabahuan.

Halos kalahati ng mga tao dito ay binubuo ng mga kagaya kong dayuhan o expat. Maraming mga bagay o pangyayari dito na para sa akin ay kakaiba sa ginagisnan ko. Ang paksa ko ngayon ay "lenggwahe".

Karamihan o halos lahat ata sa mga lokal na nakatira dito ay hindi makabigkas ng letrang "P". Sa halip pinapalitan nila ng letrang "B" ang letrang "P". Ilan sa mga sumusunod ang mga pangyayaring ginagamitan ng letrang "B":

Sa aming opisina, isang "lokal" ang aming tagasagot o sa wikang Ingles ay "Receptionist" na itatago natin sa pangalang "Adliya"

Adliya: "Inday! Give me BEBER?"
Inday: "For what?"
Adliya: "I BRINT"
Inday: "What size?"
Adliya: "A BOUR"


Inday: "Adliya let's order some food. What do you want?"
Adliya: "I want BIZZA?"
Inday: "Ah okay! What flavor?"
Adliya: "Anything....okay... I want BEBBERONI"
Inday: "How about drinks?"
Adliya: "Hmmmm give me BEBSI"


Madalas ang tawag sa amin dito ay "BILIBINO". Minsan nga naiisip ko siguro ang talagang pangalan ng kanilang bansa ay dating nagsisimula sa letrang "P" pinalitan nalang sa kadahilanang hindi talaga nila mabigkas ang letrang 'yon. Kagaya na lamang sa isang karatulang aking nakita dito na ang nakalagay ay "NO BARKING" (siguro alam niyo na kung ano ang ibig sabihin niyan).

Saturday, May 2, 2009

My Dear Coykee


Your not just my pet for 6 years but I treated you like my own baby...Thank you for the memories...for always being there for me...Dunno how can I cope up after losing you.. I will terribly miss you Coykee

Monday, April 27, 2009

"The Calling"

Matagal ko ng gustong maging parte ulit ng mga samahang nagseserbisyo sa Simbahan.

Nung nasa Pinas ako, isa akong aktibong miyembro ng mang-aawit sa simbahan pero napilitang tumigil sa maraming kadahilanan (at kung gusto nyong malaman kung ano 'yon ay pwede nyo akong padalhan ng "liham pangkalawakan" email ika nga)

Nang magawi ako dito sa Gitnang Silangan, ako'y muling nagbalik loob. Teka hindi naman talaga ako lumayo pero natigil o pansamanTagal akong nawalan ng pagkakataong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Naging instrumento ang aking mahal na ina dito sa Bahrain na si Nanay Jayvee para matagpuan ko ang pangkat na gusto ng puso kong salihan. Inanyayahan niya rin ako sampu ng iba pang mga kapatid na sumali sa Ministro ng Musika pero hanggang sa mga sandaling ito ay marami pa akong mga bagay na isinaalang-alang kaya hindi ko pa magawang tugunan ang "tawag" na yaon.

Kahapon, ika-26 ng Abril [cut-off ng sahod (pero walang kinalaman 'yon sa kwento ko)]

Tumawag kay Nanay Jayvee ang aming "Punong Tagapag-ugnayan (coordinator naman yan imbento ko lang). Tinanong niya ako at ang aking matalik na kaibigan kung kami ay interesado sa isang gawain sa Simbahan. Agad akong pumayag at labis na natuwa nang aking malaman na kami ng aking matalik na kaibigan ang unang pumasok sa kanyang isipan para sa gawaing 'yon. Bagamat wala pang tiyak na pagtatalaga sapagkat kasalukuyan pang hinihintay ang pasya ng aming mahal na Pari, siksik liglig at umaapaw pa rin ang kasiyahan sa aking puso. Sana nawa'y mapili kami at ng kami ay makapag-umpisa na sa pagbigay ng aming serbisyo sa Kanya kahit sa payak na pamamaraan lamang.

Ang akin pong tinutukoy na gawain ay ang maging
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....


Projector Operator :)

Thursday, April 9, 2009

Bakit sa Bahrain?

Bakit nga ba sa Bahrain?
Hindi ko rin alam. Hindi ko pinangarap na magtrabaho sa ibang bansa. Ang gusto ko lang dati eh mamasyal or kung mag-aabroad man eh gusto ko kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Nang mapadpad ako dito sa Gitnang Silangan, tinatanong ko din sa sarili ko kung bakit naman sa dinami-dami ng bansa eh dito pa sa Middle East at dito pa sa Bahrain na dati eh wala man lang akong idea kung sanglupalop ng mundo naroroon. Sa mga tulad kong wala ding alam ito po ang link ng Bahrain hehehe http://www.bahraintourism.com

Sa ngayon, hindi ko pa rin talaga alam ang direct na sagot kung bakit Bahrain pero sadyang may plano si Lord kung bakit nga ba dito. Dito, nakilala ko ang ilang mga taong naging malaking bahagi ng buhay ko sa ngayon. Dito, natuto akong mamuhay mag-isa pero kalaunan mas lumawak ang mundo ko sa piling ng mga taong kagaya ko'y sabik din sa pagmamahal ng kanilang pamilya. At higit sa lahat, ang Bahrain ang naging daan para matagpuan kong muli si Yahweh El Shaddai. Hindi naman talaga ako lumayo sa kanya at sa kanyang Simbahan pero dito sa Bahrain ko muling natagpuan ang sariling kong sumasayaw at nagpupuri sa kanya.

Masaya ako at kailanman hinding hindi ko makakalimutan ang Bahrain dahil dito ko natagpuan ang matagal ko ng hinahanap hanap. Dito ako nabago at pilit na nagbabago.Dito muling lumakas ang pananampalataya ko. Ito ang naging daan sa muli kong pagpapahalaga sa buhay at sa mga taong nagmamahal sa kin.

Sa mga Nahipo

Natuwa naman ako sa mga nag email. Salamat at binigyan nyo ng panahon na basahin ang blog ko. Sa lahat ng nagpigil ng kanilang luha at sa mga hindi nakapigil MARAMING SALAMAT.

Hirap din akong pigilan ang pagpatak ng luha ko kahapon nang ginagawa ko 'yong previous post ko.

About sa pagpost ng comment bobo rin ako dian. Hindi ko alam ang ibang option kung walang gmail account eh. dian na lang po sa gilid kayo mag attendance hehehe dian po sa "shoutmix"

Maraming salamat po ulit

---------------------------
ayan papalitan lang pala ang settings hehehehe
pwede na pala magcomment
tanga ko tlaga

Wednesday, April 8, 2009

Dance With My Father Again


I grew up na hindi kami close ng Papa ko. Not even once did I try to understand why he's like that. I never thank nor appreciate him for taking care of us. I really hate him when I was young.

2005
I went to Manila away from my family in Davao. I met someone who happens to be very close with her family especially with her Dad. Nainggit ako. I even wish na sana 'yong papa niya nalang ang papa ko. I find her dad as my ideal dad. Blessing in disguise, hindi sumuko ang bestfriend ko na imulat ang mga mata ko at buksan ang puso ko sa aking ama. Slowly, I started to look at things on a different perpectives ika nga. While reminiscing, narealized ko na between me and my Kuya, lumalabas pala na ako ang favorite ni Papa . Ako ang laging una sa kanya sa lahat ng bagay. Pero hindi ko nakita 'yon dahil nababalutan ng galit ang puso ko.

August 2006
I made a letter for him. For the first time, I asked for forgiveness from him. And on that letter I told him how much I appreciate and love him. That letter made him cry.

Dec 2006
First time kong umuwi sa amin. First time ko din na niyakap si Papa. That time medyo pumayat na sya due to his diabetes. One night I fell asleep on our sala. Though half awake, nakita ko si Papa standing from afar...just staring at me. I knew how much he missed me. Hindi man niya masabi pero ramdam na ramdam ko. I stayed there for 3 days lang kasi umabsent lang ako noon sa work ko sa Manila. My relatives were stopping me from going back to Manila. Pero iba si Papa. Nangibabaw 'yong understanding niya sa akin. He gave me money for my airfare. Though masakit sa kanyang pakawalan ako pero mas pinili niyang bigyan ako ng layang gawin ang mga bagay na gusto.

Sept 5, 2007
Kaarawan niya. Pinadalhan ko sya ng shirt at cargo shorts. Tuwang tuwa sya. Pinagmalaki niya 'yon. Kulang na lang eh hindi na niya hubarin 'yong binigay ko. Napag alaman ko na halos lahat ng okasyon eh 'yon ang sinusuot niya.

Dec 2007
I promised him na uuwi ako for Christmas pero hindi ako natuloy kasi nadeny ang Leave application ko. Nalungkot sya pero inintindi nalang niya 'yong situation ko. That was supposed to be our last Christmas together.

March 2008
Me and my bestfriend spent Holy Week in Davao. Tuwang tuwa si Papa. Kinareer niya ang pagluto ng fave ulam ko...cherangggggg "ADOBO"...
Bago makarating sa bahay nagpustahan kami ng bessy ko kung mapapachika niya si Papa kasi mahiyain 'yon pag may bisita kami at lalo na't Tagalog speaking si bessy. Ava hindi nagpatalo si Papa. Hirap man makabuo ng isang buong pangungusap na puro tagalog eh nagawa niya kaya napuno ng kasiyahan ang bahay namin na matagal ding nanahimik dahil sa pag-alis ko.

Nang huling gabi namin sa Davao, I was playing with my keyboard. Biglang naglambing si Papa. Nagrequest ng isang kanta na tangi niyang alam sa Christian Song book ko. Labis akong natuwa. Sinadya kung paulit ulitin ang kanta para hindi na matapos ang sandaling 'yon. Ilang beses naming inulit dalawa ang mga verses and chorus hanggang sa sumali na rin ang aking ina at ang aking kuya. Napakagandang moment. Parang isang eksena sa pelikula ang tagpong 'yon. Nag excuse ang Papa ko at pumasok sa kanyang kwarto. Iyon pala ay umiiyak sya sa loob ng kwarto na nasaksihan naman ng aking bestfriend. Hindi na ulit sya lumabas ng kwarto pagkatapos.

Sa mismong araw ng aming pag-alis, nagkulong sya sa kanyang silid at nagkunwaring tulog. Alam kong hindi niya kayang tingnan ako na muling aalis at malalayo sa kanya.

July 2008
Pumunta ng Manila ang aking ina dahil sa samut saring problema. Nagkahiwalay sila ng aking ama pero hindi sila galit sa isa't isa. Sadyang kailangan lang nila ng space at panahon na makapag isip.

August 2008
Pumunta ako dito sa Bahrain. Hindi na ako nakauwi sa Davao para makapagpaalam sa pamilya ko sa kakapusan ng oras at pamasahe. Habang ako ay nasa airport pilit kong kinukubli ang lungkot at pinipigilan ang pagtulo ng aking luha. Sa dami ng tumawag sa akin, tanging sya lang ang nakapagpabagsak ng aking mga luha.

Sept 5, 2008
Ang kanyang kaarawan. Nagsave talaga ako ng pera para may pantawag ako sa kanya. Gusto ko kasi syang makausap ng matagal sa kanyang kaarawan. Nang makausap ko na sya, halos wala pang dalawang minuto eh pinasa na niya sa kapatid ko ang telepono. At ang sabi ng aking kapatid ay umiiyak sya lalo na nung sinabi ko na mahal na mahal ko sya. Nagpadala ako ng sulat para sa kanya. Nakapaloob sa sulat na 'yon kung gaano ko sya kamahal at kung gaano ako kasaya na siya ang naging ama ko. Kalakip din doon ang aking mga pangarap para sa aming pamilya. Ipinaalam ko rin na para sa akin sya ang pinakamasarap magluto ng paborito kong "adobo". Napag alaman ko sa akin kuya na ilang beses binasa 'yon ng aking ama. Ginawang parang komiks na kahit tapos na ay inuulit pa rin.

Sept 13-15, 2008
Nalaman kong may sakit pala sya sa atay. Nagdesisyon ang aking ina na umuwi sa amin kasi namimiss na din niya si Papa. Sinabi niya sa akin ang lahat ng balak niya para makapag"bonding" ulit silang dalawa.Sept 15 (lunes) nang muling magkita at magkasama ang aking mga magulang. Labis na kasiyahan ang naramdaman nilang dawala at kami ng aking kapatid. They spent that night laughing and crying. That night was very memorable for both of them.

Sept.16, 2008
Martes ng umaga, nakaramdam sya ng labis na sakit sa kanyang tiyan. Nagmadali ang aking ina at uncle na isugod sya sa hospital. Nagmadali din ang aking kuya na sumunod sa kanila. Habang nakaupo sya sa hospital na unang pinagdalhan sa kanya, tinanong sya ng aking ina kung ipapaalam sa akin na nasa hospital sila. Mahigpit na binilin ng aking ama na huwag na huwag ipagbigay alam sa akin ang nangyayari sa kanya.

Alas-tres nang hapong 'yon, idineklarang "comatose" ang aking ama. Sa mismong oras na 'yon nagpadala ng mensahe ang aking ina sa akin na ang tanging nakalagay ay ganito

"Gel lets pray for Papa...


....comatose na sya"


Labis akong nawindang nang mabasa ko ang mensahe ni mama. Kasalukuyan akong nasa trabaho ng mga oras na 'yon. Pilit kong pinipindot ang keypad ng aking mobile nagbabakasakaling may karugtong na mensahe 'yon na nagsasaad na "joke" lang ang lahat.


Nagmadali akong tumawag sa Pinas. Nung una pilit na tinatago ng aking kapatid ang nangyari pero umamin din sya. Labis akong umiyak. Ilang beses akong nanalangin sa KANYA na sana'y dugtungan pa niya ang buhay ng aking ama. Kung kukunin man NIYA ang aking ama, sana bigyan niya ng extension man lang. Gusto ko syang makita sa huling sandali. Mula 3-8pm ayaw kung bumitiw. Patuloy akong humiling na sana pagalingin NIYA ang aking ama. Pilit akong hinahanda ng aking kuya na tanggapin nalang namin ang magiging kahihinatnan ni Papa kasi nahihirapan na rin silang makita si Papa na nahihirapan sa kalagayan niya. Pero hindi ako sumuko. Ayaw kong bumitiw. Alam kong may pag-asa pa. Hindi rin sya sumuko. Hindi rin sya bumitiw. Pinilit niya ring labanan ang kamatayan. Exactly 8 in the evening, nagdasal ulit ako. Pero this time iba na. Naramdaman kong nahihirapan na sya kaya itinaas ko na sya sa KANYA. Pinagdasal ko na SIYA na ang bahala sa Papa ko. Maluwang kong tatanggapin na ito ang niloob Niyang mangyari sa amin at talagang hanggang doon nalang ang buhay ng aking ama. Sa mismong sandaling 'yon, bumitiw din sya. Idineklarang patay na nga ang aking ama :(

Masakit....lubhang napakasakit...ang dami kong mga pangarap para sa amin...ngayon pa lang ako nag uumpisang tuparin ang mga pangarap ko pero hindi na niya makikita 'yon...Hindi na niya nahintay ang aking pagbabalik...

Pero kahit hindi kami nagkasama ulit ng matagal, masaya pa rin ako kasi alam kong naiparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Hindi ko man sya nakasama physically, pero lagi syang nandito sa puso ko. Sa huling sandali pinaramdam pa rin niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Inisip pa rin niya ako. Pinili niyang huwag ipaalam sa akin na nahihirapan sya kasi alam niya na mag-aalala ako. Alam ko din na matagal na niyang alam na malubha na sya hindi niya lang sinasabi sa amin. Hinintay muna niyang bumalik ang aking ina bago sya umalis. Tiniis niyang itago sa amin ang sakit na unti unting gumugupo sa kanya. Para sa akin, napakawagas ng pagmamahalan ng aking mga magulang kahit madalas silang mag-away noon.

Papa maraming salamat...
Mahal na Mahal kita...


Subok lang :)

ito ay subok lamang...wala tlga akong "gift" sa pagsusulat pero andami kong gustong ishare pero hindi ko alam kong paano...sadyang hindi ata ako nabiyayaan ng ganung talento...pero sana nawa'y ito ang maging umpisa na matutuo akong magbahagi ng aking kaalaman (kung meron man hehehe) sa paraang hindi naman langawin ang blog kung toh heheheh...