
Dreams do come true ♥
Thursday, October 25, 2012
Maturity

Tuesday, March 2, 2010
Pwede Po Bang Mag Kwento?
Buhay Simbahan-Part1
Sobrang tagal na mula ng huli akong mag post dito....Naisipan ko lang ulit magsulat....Sana may bumasa hehehe
Buhay Simbahan
Maraming naging malapit na kaibigan at meron ding nakasamaan ng loob. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon sa samahan. Mga kaibigang namimiss ko sa ngayon. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?
Dati rati sa tuwing may mga pagsubok, nakakaramdam ako ng tampo sa Itaas. Pero ngayon mas naliligayahan ako sa tuwing may problemang dumarating. Mas lalo kong nararamdaman ang Kanyang pagmamahal. Mahal ako ng Diyos. Mahal tayong lahat ng Diyos. Kaya Niya tayo sinusubok para tayo ay lalong lumakas, mapabuti at mapalapit sa Kanya. Na tayo ay parang ginto na matindi ang pinagdaraanang proseso ng paglilinang sa apoy para mas gumanda ang kalidad. Ika nga sa Kanyang Banal na Salita, mas mapalad ang nakakaranas ngayon ng gutom, hirap at kalungkutan sapagkat gagantimpalaan sa Langit.
Bakit nga ba may mga kahilingan tayong matagal o hindi Niya ipinagkakaloob?
Prayers are Useless...without FAITH deep within... Isa sa mga natutunan ko ay ang Pagdarasal ng may buong Pananalig at Pananampalataya. Kailangan nating matutunang Manalig at Manampalataya sa Kanya ng Buong-buo at walang pag-aalinlangan. Walang impossible kay Yahweh. Kailangan lang nating itaas sa Kanya lahat ng ating mga dalahin at tiyak na ipagkakaloob Niya ‘yon sa takdang panahon. Sa Kanyang panahon.
God’s time is never late. It is Always The Best Time.
Tuesday, May 19, 2009
Kwentong Disyerto: "Maneho" Part 1
Isang buwang nagbakasyon ang aming tunay na tagamaneho kaya kumuha ng pansamantalang tagamaneho ang kumpanyang aking pinapasukan.
Itago na lang natin siya sa pangalang "Biryani". Isang nilalang na galing sa PUGOlandia. Pugo o Pana ang tawag namin sa mga taong mas kilala sa atin sa tawag na Bombay. Si Biryani ay medyo angat ang pamumuhay. Mayroon siyang kotse at mga negosyo. Bagamat aral, mahirap unawain ang paggamit niya ng salitang Ingles. Ito ang isang insidenteng hindi ko makakalimutan:
Nene: "Biryani, please deliver this receipt to our client and pick up the cheque as well."
Biryani: "Okay! No problem."
Pagkalipas ng dalawang araw:
Nene: "Have you delivered the receipt?"
Biryani: "Yeah, Finished!"
(*finish ang lagi nilang ginagamit na salita kapag ang tinutukoy nila ay tapos na, wala na o ubos na ang isang bagay o pangyayari na hindi na inaalintana kung naayon sa pangungusap)
Pagkalipas ng isang linggo tumawag ang aming kliyente upang ipaalam na hindi pa nakukuha ang tseke.
Nene: "My friend, did you already get the cheque?"
Biryani: "Yeah, Finished!" (sabay ngiti)
Nene: "The client just called to inform that the cheque is still with them. When are you going to get it?"
Biryani: "I'm not going!" (sabay ngiti ulit)
Nene: "You're not going? But why?"
Biryani: "I'm not going! You ask PUSA"
(si Pusa ang aming tagabilang o accountant na isa ring expat na galing sa asya)
Para umiksi ito, nag-usap si Nene at si Pusa. Kinausap din ni Pusa si Biryani upang itanong kung bakit ayaw niyang pumunta at ganoon pa rin ang naging sagot ni Biryani. Isang malupit na "I'm not going!"
Walang nagawa si Pusa kundi kausapin ang aming Tagapamahala na si Majinbo na isa ding taga PUGOlandia. Nag-usap si Majinbo at Biryani gamit ang kanilang lenggwahe. Mariing itinanggi ni Biryani na ayaw niyang pumunta sa aming kliyente. Ang ibig pala niyang sabihin ng "I'm not going" ay "HINDI PA AKO NAKAKAPUNTA". At doon naliwanagan ang lahat. tsk tsk tsk
Karugtong na Kwento nito:
Monday, May 18, 2009
"Down" Syndrome
Isang araw matapos kong ilathala ang paksa hinggil sa nangyari sa akin sa nakalipas na taon, ako'y sinubok at kasalukuyang natatalo ang aspetong emosyonal ng aking pagkatao.
Nakagawian ko na atang maging malungkot ilang araw bago ang aking kaarawan. Nagmistula na ata itong okasyon na taun-taon ko ding nararanasan.
Bakit kapag ikaw ay malungkot maraming mga tanong na naglalaro sa iyong isipan? Mga tanong na lalong nagpapababa ng iyong moral. Meron nga kayang nagbibigay halaga sa aking pagkatao??? Meron nga ba akong silbi o kung meron ba akong magandang nagagawa sa aking kapwa??? Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin habang ako ay may " "Down" Syndrome"
[[Gel's Profile]]
Emo Mode: Activated
Sunday, May 17, 2009
Vente Cuatro
Isang linggo mula sa araw na ito ay ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na 'yun. Noong nakaraang taon, kami ay naghanda ng mga pagkaing kalye kagaya ng inihaw na isaw at baboy at nagpagawa ng "dirty ice cream". Ang saya ko 'nun. Simple pero masaya ang aking pagdiriwang.
Noong bata pa ako, lagi kong iniisip kung ano na kaya ang magiging buhay ko sa taon na ang gulang ko ay ang araw ng aking kapanganakan. Ano na nga ba ang narating ko? Meron nga kaya?
Maraming nangyari sa buhay ko nitong nagdaang taon.
- Unang pagkakataon kong magtrabaho sa ibang bansa at bumiyahe sa sasakyang panghimpapawid nang sampung oras. Lubhang nakakainip pala 'yun. Nasanay lang kasi ako sa dalawang oras lamang na byahe.
- Dito sa Kaharian ng Bahrain nakasama ko ang mga taong nagiging malaking parte na din ng buhay ko. Mga matalik na kaibigan na alam kong habang buhay kong pahahalagahan.
- Sumakabilang buhay ang aking ama at ang aking alagang aso na si Coykee. Sa paglisan ng dalawa sa importanteng nilalang sa buhay ko, labis akong nagdalamhati. Masasabi kong naging napakabigat na dagok ito para sa akin. Natanggap ko na nawala na sila pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at umiyak sa tuwing naiisip ko na sa aking muling pag-uwi sa Pinas, hindi ko na sila muli pang masisilayan.
- Nagbalik-loob ako sa Kanyang Simbahan. Hindi man talaga ako umalis pero ngayon, muling nabuhay sa aking puso ang pagnanais na muli Syang paglingkuran. Ang Kanyang Banal na Salita ang unti-unting nagpapabago sa aking katauhan.
Sa ngayon hindi man ako mayaman sa salapi at iba pang materyal na bagay, unti-unti ko namang nabubuo ang aking pagkatao. Ika nga "Madaling maging tao, mahirap magpakatao".
PS
Ako'y labis na nag-aalala sapagkat marami na akong natatanggap na paunang pagbati para sa aking kaarawan. Meron pa kayang babati sa akin sa mismong araw ng aking kapanganakan??? Isa ka kaya sa mga 'yun?
Huling-huli nalang:
Maari bang humingi ng mungkahi kung paano magandang ipagdiwang ang aking kaarawan. salamat po.
Saturday, May 9, 2009
Kwentong Disyerto: "Lenggwahe"
Halos kalahati ng mga tao dito ay binubuo ng mga kagaya kong dayuhan o expat. Maraming mga bagay o pangyayari dito na para sa akin ay kakaiba sa ginagisnan ko. Ang paksa ko ngayon ay "lenggwahe".
Karamihan o halos lahat ata sa mga lokal na nakatira dito ay hindi makabigkas ng letrang "P". Sa halip pinapalitan nila ng letrang "B" ang letrang "P". Ilan sa mga sumusunod ang mga pangyayaring ginagamitan ng letrang "B":
Sa aming opisina, isang "lokal" ang aming tagasagot o sa wikang Ingles ay "Receptionist" na itatago natin sa pangalang "Adliya"
Adliya: "Inday! Give me BEBER?"
Inday: "For what?"
Adliya: "I BRINT"
Inday: "What size?"
Adliya: "A BOUR"
Inday: "Adliya let's order some food. What do you want?"
Adliya: "I want BIZZA?"
Inday: "Ah okay! What flavor?"
Adliya: "Anything....okay... I want BEBBERONI"
Inday: "How about drinks?"
Adliya: "Hmmmm give me BEBSI"